Thursday, March 5, 2015

Usap May Asawa: Why Praise?

Last week while in a coaching sesh with one of our newbies, the newbie asked, "CL, married ka na ba?"

G: "yes. 14 yrs. 2 kids"
N: "wow 14 yrs? Swerte mo"
G: "hindi din."
N: (nganga) @.@

Don't get me wrong. There's nothing wrong with my marriage. Never pa ko nakaexperience ng karimarimarim na issue na usual sa mag-asawa. Hindi naman nya ko dyinombag ever, usually ako pa nga ang nakakasakit pisikal *hagisera kasi ako ng gamit* Hindi pa naman sya nambabae, awa ng butiki. Responsible naman sya as a husband sakin and a father to my kids. Hands on din sya sa mga anak namin.

Pero never ko icclaim na swerte ako sa marriage. Hindi ko matatanggap na ang pag-aasawa ay swertehan dahil sa totoo lang..

Pinaghirapan yun.

Pinaghirapan ko. Nya. Naming dalawa. Ang totoo nyan kakatapos lang namin mag-away. Ang dahilan, kasi lagi nya ko nilalait. Lahat na sakin pangit. Damit ko, makeup ko, mga taba ko, lahat na lang. Shempre masakit sakin di ba, sino bang asawa ang hindi masasaktan pag asawa mo na mismo ang nagsabi sayo na ampanget mo. 

Ang siste, sa kanya pala, biro lang yun. At kaya sya galit sakin kasi nagagalit ako sa biro nya.

Biro, e ang sakit?

Shempre sinabi ko. Sabi ko, try mo sabihin yan sa nanay mo. Pag hindi sya nasaktan, sige ako na mali. 

E di natahimik sya. Napag-isip isip nya siguro kung san ako humugot ng galit. Nagsorry sya at nung nafeel ko naman na naintindihan na nya, nakipagbati na ko. Simula nun, conscious na sya sa mga sinasabi nya sakin. Nung isang araw lang, sabi nya sa wacky picture ko, "ganda mo dyan" *lol sa wacky talaga :D

Ang point lang dun, sa mag asawa mahalaga yung pinupuri nyo yung isa't isa, hindi puro nalang masama ang nakikinig nyo sa isa't isa. Para ano pa at nageeffort ka kung wala namang pupuri sayo. At ikaw na asawa, kung hindi mo maaappreciate ang asawa mo, sino ang appreciate dyan? Ibang tao? Ok lang syo?

Ano ba naman yung sabihan mo lang, "oy ang bango mo ngayon", "pogi/ganda naman", "sumeseksi ka na", "bagay yan sayo (outfit)", "maganda ka sa Yellow", "sarap ng luto mo ah" eto mga simpleng bagay na hindi naman mahirap sabihin di ba? madali mo nga lang masasabi sa ibang tao yan e.

Siguro nga kung araw araw kayong magkasama, napakanatural lang na mawala yung ligawan, at napakadaling maging komportable sa isa't isa hanggang sa point na parang bestfriend na lang ang turing mo. Ok lang naman, ako nga naniniwala na ang pinakamatibay na foundation ng marriage ay friendship. Pero isipin mo din, hindi naman kayo nag-asawahan ng dahil lang sa friendship di ba? Kasi kung ganun, hindi sana sya ang asawa mo. 

Kung walang wala man, isipin mo lang ang basic na panuntunan ng tao bago ka magsalita ng hindi maganda sa asawa mo..

Respeto.


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...